Simple lang naman ang aking pangarap Ang tayo ay lumipad at maglaro sa ulap Nais ko lang nama'y makita kang nakangiti Ang makapiling ka sa bawat sandali
Lahat ay gagawin, lahat ay susuungin Lahat haharapin, lahat ay kakayanin
Lilipad ako para lang sa'yo Lilipad ako sa dulo ng mundo Ang lahat ng ito'y para lang sa'yo Dahil ang totoo ikaw ang aking superhero
Lahat magagawa hindi ako matatakot Hindi mangangamba basta't ikaw ang nasa puso ko Kahit na mahirap, kahit na ako ay maliit Ikaw ay tutulungan kahit buhay ko ang kapalit