Stanza 1: anong oras na ba? magfo-four o clock na yata(hoy! hoy! hoy!) mag-uumaga na bagsak pa ang aking mga mata kahit inaantok pa 'ko pipilitin kong maligo matagal mag-init ng tubig mamatay na sa lamig
Chorus: excited na ako syempre dahil sayo kasama na naman kita hanggang sa mag-umaga simbang gabi simbang gabi (magsisimbang gabi kami)
Stanza 2: Masarap malamig ang hangin masarap ding manlambing Magkayakap magdamagan hindi ka bibitawan Ililibre pa kita ng bagong luto na bibingka Tapos maglalakad pauwi bukas na naman uli