Magdamag naggigitara, ang bagal ng gabi Ang daming iniisip ngunit wala namang masabi Nagsawa ka na ba? Subukan mong tumawa Tigilan ang pag-iisip Ipagpatuloy ang pananaginip...
II. Di ko maalala Ang lyrics ng kanta Kahit ako ang gumawa Iba naman ang nagsalita
Mahirap talaga Kapag inaasahan ka Awitin ang mga tula Na nagmumula sa pera
Refrain: Di ko inaakala na magkakaganito Wala namang nagsabi na malabo ang mundo Di na rin naman naming inaasahang maintindihan Alam naman nilang wala kaming pakialam
Kung saan man patungo, at kung kailan kami hihinto Kung bukas man o bukas pa Tuluyan nang tapusin ang kanta
III. Gising hanggang umaga hindi mapakali Pinipiga ang utak ngunit wala pa ring masabi Kapag pinilit mo, at hindi na totoo Ang awit na natapos mo ay mawawalan ng tono
(Repeat Refrain)
IV. Wag mo na silang isipin pa Ayoko ng gayahin ang iba sa pagkanta Hindi na dapat pagbigyan Ang buhay ay sadyang ganyan Wala na dapat tandaan pag tayo ay nagkakantahan
(Repeat Refrain) (Repeat Last Line) (Repeat First Verse)