Mahal kita pero di mo lang alam Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan Ayaw mo naman itanong sa’kin kasi baka nga naman hindi naman ikaw At hindi ko rin naman sa’yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala
Pero hindi ako torpe Hindi ko lang talaga masabi sa’yo ng harapan Mahal kita pero hindi mo pa rin ramdam Hindi mo ko titignan di rin kita titignan Lagi mo lang akong pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman At araw-araw tayong magdededmahan Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko Nais kong magkaalaman na Nais kong ako na rin ang magsabi sa’yo ng harapan Kasi alam kong doon din naman ang tuloy niyan At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan oo o hindi
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na At hindi na magka-tsismisan pa Sasabihin ko na para wala nang problema At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa