Muling lalapit Ang liwanag sa paligid At ang tinig Na sa akin nagsasabing Hindi mapipigil ng mundo Papatunayan ang pangako
Chorus: Dahil kailangan ka Kailangang pakita nating tayo’y iba At kahit pa Hindi papapigil sa mundo At sa umagang darating Lahat ay aking kakayanin At kahit pa ikaw lang at ako
Huwag mong iisipin Ang mga harang sa atin At ang ihip ng hangin ay darating Bigla lang titigil ang mundo At ang lahat ay maglalaho
(Repeat Chorus)
Hindi ko man hawak ang panahon Maging ang ikot ng buhay Basta’t ikaw at ikaw pa rin Ikaw at ikaw pa rin