| |
Iisang Bangka TayoPerformer: The Dawn
Intro: Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat Ngunit buo ang puso mong ang daluyong ay sugurin Magkasama tayong katahimika'y hahanapin
Saan ang tungo mo, mahal kong kaibigan Saan sasadyain hanap mong katahimikan Basta't tayo'y magkasama, laging sasabayan kita Pinagsamaha'y nasa puso, kaibigan, kabarkada
Refrain: Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin
Chorus 1: Dahon ng damo, tangay ng hangin At 'di mo matanaw kung saan ka dadalhin Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo Daluyong ng dagat ang tatawirin natin
(Repeat 2nd stanza) (Repeat Refrain)
Chorus 2: Ating liliparin, may harang mang sibat Ating tatawirin, daluyong ng dagat Pagka't kasama mo ako, iisang bangka tayo Ano man ang mithiin ay makakamtan natin
Ad Lib: (Repeat Chorus 2)
Click here for more original Philippine Music
|