Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang naman may sisingit
Sa tuwing tayo’y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang mag-aalay sa’yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Chorus 1:
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa iyo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
Mapapagod na lang sa katitingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Chorus 2:
Pagbibigyan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang kita sa gitara