Magdamag nag-aabang Maglalaro kaya Ang dalagang nagtatago Sa alyas na maldita Sa dating tagpuan Sa bayan ng prontera Sa tabi ng tindahan Ng magic at sandata
Nung minsan nga ay Nag-alay ka pa ng buhay mo Nang kinalaban natin Ang mga bagong dayo Natalo nga sila At nagyaya kang magsaya Tanging hinihintay Ang makita ka
Alas dos nung linggo (sa gotesco) Nagpolo pa ako (at nagpabango) Nananabik habang (hinahanap ka) Tumigil ang mundo (nang makita ka)
Chicksilog Ako ay nahulog Nilinlang, niloko Alam ko nang sikreto mo Chicksilog Ako ay nahulog Nilinlang, niloko Alam ko nang sikreto mo
Walang saysay mag-level up Pagka siya ay nasira na Ang inipong lakas Naglahong parang bula Kaya pala Ang husay mo sa espada Si maldita Ay lalake pala
Alas dos nung linggo (sa gotesco) Nagpolo pa ako (at nagpabango) Nananabik habang (hinahanap ka) Tumigil ang mundo (nang makita ka)
Chicksilog Ako ay nahulog Nilinlang, niloko Alam ko nang siikreto mo Chicksilog Ako ay nahulog Nilinlang, niloko Alam ko nang siikreto mo